Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang malakas na ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang kapuluan." Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.
Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?" Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos Ninyo! Kalbo na po ang kagubatan wala na pong kahoy at nagkaruon pa po ng iba't-ibang problema sa plano po ninyo."
At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko. Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission. Pumayag po ako pero nagtayo ng unyon ang mga kinuha kong manggagawa at nag-strike.
Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay. Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng huweteng. Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo. Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state .
Nakialam na rin ang ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic".
"Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto." Ang huling wika ni Noah.
Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito.
16 comments:
salamat sa pag daan sa bahay ko sir...anyway...nakakaktuwa nmn ang analogy mo ke noah, pero nakakaasar din ang katotohanang nangyayari sa ating bansa...sana may kahit kaunting pagbabago....sana.
germs,
ty din sa pagdaan mo sa bahay ko, sayang hindi nagawa yung bahay na arko ni Noa dito sa Pinas.
hahaha!galing naman.:)
ehehe. sapul!
nakakatawa talaga yung mga proyekto kuno ng gobyerno, kailangan may picture ni gloria.
nakita mo na ba yung banner ni gloria sa mga lrt stations? ganito yung nakasulat katotohanan, katarungan pagbabago, EKONOMIYA, laban sa kahirapan. nakita ko to nung nagpunta kami ng divisoria, tinuro ko sa officemate ko. sabi ko pansin mo ba kung nakapikit sya o nakatingin sa ibaba? sagot saken, siguro nahihiya, kasi puro kasinungalingan yung mga nakasulat sa tabi nya. hehe.
nyl
ty!
this is funny, pero totoong-totoo. masyadong maraming magaling at nagmamagaling dito sa atin, at yung hinahawakan nilang kapirasong kalayaan at posisyon ay ginagamit para iliko yung tama at dapat.
zherwin,
masyado naman seryoso ang komentaryo mo, pero tama ka sa mali nila.
aray ko. hehe. oo nga naman. huwag nang pagbalakan pang wasakin ang pinas.
ginagawa na natin ito.
So funny ... so hmmm almost true .. i wanna laugh if it doesnt hurt so much.
Galing mo impostor. You wrapped it up oh so neatly and so ironically.
Did I miss your scrabble tourney? How did it go?
Atticus,
Dito sa bayan ni Juan lahat na lang kung minsan dinadaan na natin sa katatawanan.
Anna,
Funny but it's true talaga.
Well regarding my scrabble tourney we just play w/ my group wala kasing nagshow-up sa mga bloggers maybe some other time we will plan it properly. I was hoping that someday magkaroon namn ng fellowship ang mga bloggers and maybe a friendly game of scrabble will do.
Pati project ni Noah ay hindi nakalusot sa mga corruption at bureaucracy natin. Hehehe
Panaderos,
Tama ka dyan, bro.
Nakakatuwa ang estorya pero sapol na sapol talaga sa kuwento ang mga nangyayari sa bansa natin. It's a good thing din para hindi na wasakin ni God ang Pilipinas, Hehehe...
dodong flores,
salamat sa pagbisita :)
Bakit ngayon ko lang nakita ang blog mo? Sobrang totoo ang inilathala mo. At magaling kayong mag-habi ng kwentong Pinas!
Post a Comment