" This blog, is blog, a blog, good blog, way blog, to blog, keep blog, an blog, idiot blog, busy blog, for blog, 20 blog, seconds". (now read without the word blog)
Thursday, July 3, 2008
PAG MAY KATWIRAN I-TEXT MO!
Parang namatay yung isyu tungkol duon sa proposal ng isang ahensiya ng gobyerno na huwag ng singilin yung mga text charge sa cell phone. Maraming natuwa kabilang na ako kaya lang ang panukala ay nag-lowbat o namatay ng tuluyan. Ako bilang isa sa mga angaw-angaw na gumagamit ng cellphone ay nagkakaroon din ng pagka-inis sa mga kompanyang nagbibigay ng ganitong serbisyo. Halimbawa ang 30 pesos na load mo ay hanggan 3 araw lang gamitin mo man o hindi, ito ay malaking panlilinlang hindi dapat ganito na sila ang magdidikta ng konsumo natin sa cell phone. Sa totoo lang maraming kababayan natin lalo na sa hanay ng mahihirap ang apektado at hindi malaman kung papaano ibaba-badyet ang kakarampot na pera na ang malaking bahagi nito kung minsan ay napupunta lamang sa pagte-text.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
naalala ko nung bago-bago pa lang text at ang pinaka-high tech na cellphone ay 5110 (ito rin ang pinakamatibay), libre pa ang text kaya hanggang madaling araw, text ako ng text up to the point na nag-iimbento ako ng number (ang nakakatawa, merong sumasagot hehe).
ngayon, nililimit ko na lang ang text ko hanggang sa free alloted messages.
Hindi ako nakagamit niyan, pero isa siguro ako sa mga mga naunang nag-cellphone dito sa Pilipinas. Ang unit na gamit ko nuon ay halos kasinglaki na ng walkie -talkie. At ang mahal ha siguro, kumukunsumo kami ng mga 20 thousand monthly sa billing pero hindi pa uso ang text nuon.
hay o nga po. mukhang pinakalma lang nila mga tao dun sa issue ng mga krisis, pagtaas ng mga bilihin at mga scandal na kinasasangkutan ng gobyerno.. kaya nila nilabas etong free texting ek ek nila. matuloy man ang pagsulong nila nito e kailan naman kay maisasabatas? as if naman papayag basta ang mga network providers na yan ng ganun ganun na lang.. hmm..
Tama ka dun Lei, hindi maisasa-batas yan, proposal pa nga lang nag-lowbat na eh.
ay naman... syempre baka may mga nasuhulan na naman diyan
oo nga, libre naman magtext sa chikka at ym ah, di ba? bakit di na rin pati sa cellphone?
haha... tingin ko kasi maliit lang ang kita ng mga telecom companies kung call lang ang babayaran... malaki kasi ang nakokolekta nila lalo na kung may mga unli-offers sila, kasi na-hohook ang mga tao
kung libre ang text, parang wala na ring kita sila (kuripot ang pinoy eh, minsan lang tumatawag)
it's not that i am not in favor of the "proposed bill", i was just thinking of the other parties' interests
Tama ka ron Pchi, yun din naman ang hinala ko sa isyung yan.
Salamat sa pagbisita mo ha!
Post a Comment