Monday, July 28, 2008

KUNG FU PANDA GOT SEX IN THE CITY WHILE GMA DELIVERED HER SONA.

.... sorry wala akong maisip na title (pasintabi mababaw lamang ang blog na ito)

Mula pa nuong ako'y na hayskul ay marami ng "ismo" ang tumatak sa aking isipan tulad ng kapitalismo, Imperyalismo, koloniyalismo, kumunismo. Ang mga makakaliwa (left leaning group) ang siyang pasimuno sa mga terminong ito na ibagsak lahat ng uri ng "ismo", maliban siguro sa kumunismo na hindi naman nila inaamin at di rin tinatanggi.

Tatlong magkakasalungat na isipan ang pinagtatagni-tagni ko sa linggong ito para makabuo marahil ng isang isyu. Una bakit ang isang matabang hayop tulad ng panda ay natutong mag-kung-fu sa napaka-iksing panahon para iligtas ang Tsina. Pero maa-aliw ka naman sa pelikulang ito bagamat piniratang dvd lamang ang kopya ko.

Pangalawa ang apat na makakaibigan na babae ewan ko kung nalipasan na ng panahon ang kanilang pagkababae at parang normal lang sa kanila ang magpalit ng mga karelasyong-sekswal. (dito medyo natatawagan ako ng pansin dahil parang isinasabuhay na rin ito ng ilang mga Filipina) guilt-less sex kadalasan ang tema ng mga ito pero may kakaibang karisma ito lalo na sa mga kababaihan dahil may itinuturo rin itong aral tungkol sa relasyong sekswal at emosyonal. Dito mo makikita ang lawak ng koloniyalismo ng Hollywood dahil sa loob lamang ng ilang oras ay kaya na nitong baguhin ang istilo at moral ng mga nanunood ng mga pelikula.

Ay ano ba ang masasabi ko sa SONA ng Pangulo, laging ganito naman ang senaryo taon-taon. ang buhol-buhol na trapik diyan sa Batasan, ang ingay ng mga nagma-matsa at ang pagratsada ni Gloria sa kanyang talumpati. Hindi lamang ang panunood ng sine ang kaaliwan ng mga Pinoy, libangan na rin natin ngayon ang magreklamo sa buhay.

7 comments:

Nyl said...

haha!oo nga ano?naging libangan na natin ang magreklamo sa buhay. Parang a stimulus response to a stimuli...hehe!anubayoon!

Dine Racoma said...

i watched the SONA, but not Kung Fu Panda and Sex in the City. am not even watching the latter even if it is only for entertainment, but i watched The Dark Knight.

i have said my piece, i thought for a while there was a flicker of hope for the nation (tho of course we should not stop hoping), but then when what stuck to me was TEXTING ito lang yata ang naintindihan ng sambayanan sa lahat ng sinabi nya--TEXTING TO OTHER NETWORKS IS NOW DOWN TO 50 CENTAVAOS.

hindi naman pala, i tested it, piso pa din, then pala yung iba, promo lang until october. my gosh! kawawa naman ang ga mahihirap--yun lang ang naintindihan--niloko pa sila.

tama ka nga siguro, watch na lang ng movie rather than the sona.

Panaderos said...

Kailangang kong mag-aral ng Kung Fu para masipa ko si GMA palabas ng Malacanang. Pagkatapos noon ay makikipag-guiltless sex ako sa mga Pinay na may natutunang mga aral tungkol sa relasyong sekswal at emosyonal. :D

ysrael said...

nyl,
masarap raw talaga magreklamo, at ang master dito si "single guy" (sorry rudy, nadamay ka pa)

ysrael said...

bbr,
Mas gusto ko pa na tanggalin ng mga network na ito yung no. of days ng text load. Hal. yung 30 pesos load tatagal lang ito ng 3 days gamitin mo man o hindi. Dapat hindi sila ang magdi-dikta kung hanggan kailan mo ito gagamitin. masyado ng kino-control ng mga cellphone network na ito ang buhay natin.

ysrael said...

panaderos,
ha-ha-ha ok ka lang siguro.

Forever59er said...

I catch snaches of the sona but only because my son had his tv on when i went visiting my apo. hohum what else is new ... words are cheap. there were testimonials from beneficiaries of programs but how many or how few are these. Basta ang alam ko, marami nang hindi kumakain ng kuadrado araw araw (three square meals .. teka .. triangle yata yun ah.)

Anyway, i am not singing how do you solve a problem like gloria ... but how do you solve a problem like the PI. na nakaka PK na ... I am no longer worried for myself but for my children and their children.