Monday, August 4, 2008

KORYENTE!

Sa mga taga-Media pag sinabing koryente ibig sabihin 'yung scoop o malaking balita ay hindi pala totoo. Pero sa totoong koryente yung ginagamit natin sa bahay na may kasamang electric bill ito ang totoo.

Bilib ako sa commercial ni Juday, biro mo naipaliwanag niya in 30 sec ang masalimuot na system loss na yan..:) Na ang system loss daw ay ay katulad ng pagbili natin ng yelo na natunaw habang papauwi tayo. Tama si Juday sa kanyang paliwanag ng system loss, pero kung tayo ang bibili ng yelo at ayaw talaga nating mabawasan ang yelong binili, siempre magdadala tayo ng styrofoam ice box o Coleman.

Ang tawag diyan ay increase the efficiency. Kung baga sa mga distribution utilities ayusin nila nang husto ang electrical network, pati na ang mga substation and step-down transformers para nagooperate sila sa maximum efficiencies. Kung lumang-luma na, palitan o di kaya imaintenance. Tapos, ireduce, at kung maaari ay alisin, ang mga administrative inefficiencies, tulad ng wrong meter readings, pilferage ! at kung ano ano pa...
At alam ba ninyo na hindi lang meralco ang nagpapasa ng system loss? Pati ang TRANSCO na government owned at siyang nag me maintain ng power grid. Balak ipasa or naipasa na ng TRANSCO ang 2.98% ng system loss nya sa meralco.. at syempre kanino pa ba naman iyan sisingilin ng meralco..

Ngayon alam na natin kung bakit natunaw ang yelong binili ni Juday.. pero part pa lamang yan ng equation kung bakit mataas ang singil ng ating koryente, kunin ang electric bill.. at heto ang component ng ating electric bill...

Generation charge Tax on Generation charge
Transmission charge Tax on Transmission charge
System loss Tax on System Loss
Distribution, Metering and Supply charges
Lifeline rate subsidies Tax on distribution, metering and supply charges and lifeline rate subsidies
Local franchise tax Universal charges
I-add mo lahat yan at yan ang total electric bill mo.

At ang malupit dito ay 5 beses tayong sinisingil sa tax (ow, baka koryente nanaman yan?, paki paliwanag nga?) Ok,(kapit kaibigan baka mahulog ka sa kinauupuan mo)
Para lalo nating mapansin, ganito ang flow ng kuryente bago dumating sa bahay natin.. Ang napocor or IPP ang mag po produce ng koryente...bago pa maka alis ng planta ang koryente, magbabayad na tayo ng tax na 51 cents /kwh. Ang kuryenteng iyan ay padadaanin ngayon sa TRANSCO, papunta sa distribution utility natin gaya ng Meralco.. Muli tayong bubuwisan ng gobyerno, this time 11 cents/kwh Pag nakarating sa Meralco ang kuryente, muli sisingilin tayo ng buwis ng gobyerno, ng distribution tax at franchise tax... At dahil magbabayad tayo ng system loss muli na naman tayong bubuwisan ng gobyerno... ng system loss tax.. At eto pa ang kwela sa lahat, after i-suma ang iyong electric charges.. papatawan kang muli ng tax.. this time yung 12% e-vat. Imagine 5 Tax na binayaran mo, yung tax na yun eh (bubwisitin ka pa, este)bubuwisan pang muli ng isa pang tax... Ang alam ko po sa batas bawal ang double taxation... pero sa ginagawang ito ng gobyerno.. siguro naaayon na sa batas kase lampas na sa double eh (sarcastic lang po)

At upang madagdagan pa ang sama ng loob nating mga Pinoy... Ang napocor, ayon sa batas ay kinakailangan mag imbak ng supply ng coal na tatagal ng 5 taon.. pero ano ginagawa ng napocor... sasairin nila yung supply nila ng coal upang tumagal lamang ng isang taon, at dahil paubos na, mapipilitan silang mag conduct ng emergency purchase na di na dadaan sa bidding.. or kung dumaan man, dahil sa ikli ng time table, walang makakapag- bid. Kaya si Napocor bibili ng coal, hindi sa lowest bidder, kundi sa kanilang preferred suplier.. ang masaya pa nito, anlaki na ng patong.. higit pa sa doble ng actual price ng coal sa market.. idagdag pa dyan ang arkila ng mga barko na gagamitin sa pag ta-transport ng coal... na syempre muling pagkakakitaan ng mga Napocor executives.

Sobra na nga pinapataw na tax sa atin ninanakawan pa tayo ng gobyerno natin..NG EXECUTIVE AT LEGISLATIVE DEPARTMENT KUNG MINSAN SUMASAMA NA RIN ANG JUDICIARY: ito ay classic case na naman ng That the Philippines is really run like hell by the Filipinos.

AAARRGGGGHH! (BUHAY KA PA BA?)

10 comments:

lei said...

hay naku! at isa pang hay naku! ayan lang ang pwede nating gawin.. magreklamo at bumuntung hininga.

tulad nga ng sabi ko kay snglguy sa isang post nyang katulad nito. wala naman tayong magagawa kase hindi namin tayo pwedeng iboycot ang meralco. hindi din naman tayo pwedeng mag-tigil kuryente tulad ng mga jeep at iba pang transport group na pwedeng magtigil pasada. kailangan pa din nating bayaran ang bill kahit nakakasama ng loob ang mga patong patong na sinisingil na hindi naman talaga natin dapat bayaran.. wala tayong magagawa kase pag di natin binayaran.. puputulan tayo ng serbisyo. :(

makunsensya na lang sana sila..

Anonymous said...

what else is new... sila silang mga government insiders lang naman ang nakikinabang sa lahat na gracia. Sila rin ang mga tuta ng corporations. Alam natin na walang makakaharang sa Meralco or PLDT kung tataasan nila ang rates, duh.

Panaderos said...

Napakalungkot at nakakabwiset talaga. Sakal na sakal na ang mamamayan sa mga kademonyohan na ito.

Ang tamang gawin ay bawasan ang mga inefficiencies pero kailan ba nagkaroon ng political will ang ating pamahalaan na gawin ang tama?

ysrael said...

lei,
sana nga ay mag-isip naman ang gobyerno sa problemang ito na patuloy na pinapasan ng mga Pinoy na halos wala na ang makain dahil napupunta na lamang sa mga bayarin tulad ng koryente.
.....sana

ysrael said...

bw,
mag pag-asa pa naman siguro hindi lang natin alam kung kaila o saan

ysrael said...

bw,
mag pag-asa pa naman siguro hindi lang natin alam kung kaila o saan

ysrael said...

panaderos,
sinasakalal at kinokoryenta pa, kaya nga hindi ko rin masisisi 'yung mga nagnanakaw ng koryente dahil hindi talaga nila kayang lumaban ng parehas eh.

Nyl said...

salamat sa malinaw na paliwanag Impostor..sana ikaw nalang nag advertise nung system loss ni juday ano?hehe! mas lalo kong naintinidhan at dahil lalo konang naintindihan ngayon lalo lang akong naiinis sa gobyernong eto!!arghhhh talaga!

wheww;)

Dine Racoma said...

it's clear black mail--if you do not pay, we will cut the service. leaving us helpless. whatever explanation they make, still the Filipino is wary, we know that everything is a LIE, just like when "she" said that text message to other networks is down to P0.50. a true lie!

ysrael said...

bbr,
survey says that most people nowadays save money on foods but not on cellphone load. Just imagine how much money they are raking from millions of cellphone subscribers.