Sunday, March 15, 2009

KWENTONG BETERANO

ARSENIO S, NAGUIT
1922 - 2009

Maraming kuwento tungkol kay Francis Magalona ng siya ay pumanaw pero mas pinili ko ang taong ito, na kasabay niyang namatay nuong araw ding yaon. Si Tatang Arsenio ay katapat lang bahay ko at araw-araw ay nagkikita kami at naghuhuntahan sa halos 5 taon na pagkakatira ko sa lungsod Quezon, at sa tagal ng panahong iyon ay itinuring na niya akong anak at kaibigan.

Isang beterano nuong panahon ng pangalawang digmaan pan-daigdig. At katulad ng tipikal na beterano ay maraming rin siyang kwento tungkol sa pakikipag-tungalian nila sa mga Hapon (aka sakang) Nguni't mas madalas ay nakikinig siya sa mga kwento ko na ang karamihan naman ay hindi totoo. Sa madaling salita trip lang ng matanda ang may ka-kwentuhan.

Si Mang Arsenio ay nakapag-asawa ng siya ay desi-sais anyos pa lamang dahil sa may ka-gwapuhan at matangkad marami rin siyang naging babae at pamilya sa mahabang panahon na pananatili niya dito sa daigdig. Kumplikado ang buhay pag-ibig niya, namatay ang una niyang asawa, dalawa ang naging anak niya dito. Sa pangalawa ay hindi siya kasal ngunit lima ang naging anak nila. At sa pangatlo ay si Aling Juliana na biyuda rin sa unang asawa, wala silang anak dahil pareho na silang matanda ng panahon na sila ay magsama. Ikinasal sila nuong 1996 sa maramihang pagkakasal na ini-sponsor ng mga mahilig mamulitikang politiko.

Hanggan sa dumating ang panahon na pinahihirapan na siya ng iba't-ibang karamdaman dahil na rin marahil sa edad niyang mahigit otsenta anyos na. Naging suki siya sa pagamutan ng mga beterano ang Veterans Memorial Medical Center.
Isang araw bago pumanaw si Mang Arsenio ay naka-pirma pa siya duon sa malaking biyaya na matatanggap ng mga beterano, siyam ng libong dolyares na siya ring dahilan kung bakit nagdatingan 'yung marami niyang kamag-anak na hindi na niya nakikita sa napakatagal na panahon. Nang-ibalita ko ito sa kanya, ay pinalapit niya ako at may ibinulong sa akin, inakala ng iba na babalatuhan ako ng matanda pero hindi ko na sinabi sa kanila yung bilin at dito ko lang sasabihin at ito ang bilin niya "Bahala ka na sa mga halaman ko ha, hindi na siguro ako makakap-dilig pa."

Sa wakas ay natapos din ang mahabang lamay at inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani.

Paalam Mang Arsenio, kaibigan, beterano at bayani.

Thursday, March 5, 2009

PUSILA! PUSILA!

Pagkatapos ng mahigit 25 taon ang mga sundalo na nasangkot sa pagkaka-paslang sa dating senador Ninoy Aquino ay napalaya na sa bisa ng ehekutibong klemensiya na ibinigay ng Pangulong Arroyo. Dalawa lamang naman ang reaksyon ang Tumutol at ang Sumang-ayon. Sa mga tumutol siyempre kabilang na ang pamilyang Aquino sa pangunguna ni Noynoy at Kris. Sabi ni Senador NoyNoy, dapat ay humingi ng tawad sa kanila ang mga sundalo.(na para bang sigurado siya na may kinalaman ang mga ito sa konsperasiyang ito.) Si Kris naman ay pa-showbiz effect sa panunumbat at paiyak-iyak pang sinabi na nawalan daw siya ng Ama sa mahabang panahon.( Hay, naku Kris napaka-swerte mo nga sa lahat ng nawalan ng ama, dahil naging presidente ang nanay mo, naging senador ang kuya mo at naging showbiz host at artista ka na nagkamal ng pera at lalake.)

In fairness sa mga sundalo, ako bilang isa naniniwala na walang kinalaman ang mga ito. Sa aking pag-aaral at pagtatanong kadalasan kapag may operasyon ang mga kasundaluhan hindi naman talaga ibinibigay sa kanila ang detalye ng kanilang mga superyor. Mahirap makulong, ang iba nga diyan isang linggo pa lang nakukulong inaamin na na siya daw ang pumatay kay Jose Rizal, marahil kung may katotohanan ang bintang sa kanila ay may umamin na dito sa hirap ng pagkakakulong ng 25 taon.

Ang totoo tuwing ini-interbyu ang mga sundalong ito duon sa kulungan ay nadudurog ang puso ko sa pagka-awa sa kanila at sa kanilang mga pamilya. Naglingkod sa bayan ang mga ito at alam natin na mga fallguys lang ang mga ito. Dapat pa nga ay bayaran ang nawalang mga taon sa kanila.

Sa pamilyang Aquino marahil ang isang opsiyon dito ay muling buksan ang kaso at tumutok naman tayo sa posibilidad na si Galman talaga ang pumatay dahil sa pinatunayan naman ito ng isa sa pinakamahusay na forensic expert natin na kumakailan lang ay naglabas ng resulta sa mahaba niya pagsasaliksik. (hindi tulad nuon na halos lahat ay naniwala sa hakahaka na patay na si Galman bago pa pinatay si Aquino.)

Yun nga lamang ay medyo malabo ng matukoy kung sino talaga utak dito. Marahil ay patay na lahat ang mga pangunahing kasangkot sa krimen na ito na nagpabago sa kasaysayan ng Pilipinas. Katulad din ng kaso ni JFK ng Amerika, masakit din ito sa kanila pero sabi nga sa palasak na kasabihan sa englis "We have to move on.")

Sunday, March 1, 2009

Sulyap sa EDSA

Nuong Pebrero 25, 2009 ay muling ipinagdiwang ang "People Power" sa Edsa at sa pagkakataong iyon ay medyo kumpleto na ang cast ng mga pangunahing personahe tulad ni Enrile, Honasan at Ramos. Pero hindi pa rin mapapasubalian na ito ay nilangaw dahil na rin naman wala ng interes na pumunta rito ang mga mamamayan na ginamit ng simbahan at mga politiko nuon. Siyempre wala si Cory Aquino, dahil hanggan ngayon ay galit-galit pa rin sila. At mula nuon ay naging tatlo-bente sinko na ang "People Power". Sa aking personal na pananaw ay wala naman talagang "People Power" na nagpapabagsak sa Gobyernong gusto nilang palitan. Lahat ng ito ay nagtatagumpay lamang kapag bumabaliktad ang militar. Kaya kapag walang hindi nakialam ang militar walang patutunguhan ang "People Power". Tama lang na hindi ito siputin ni GMA dahil lumilikha lang ito ng pagkabaha-bahagi sa mga Pilipino. Sana ay tigilan na ang pagdiriwang sa okasyong ito ng people power dahil hindi naman nakakabuti sa kabuuan ng sambayanang Pilipino, at nagiging dahilan pa ito ng hindi paghilom ng sugat dahil sa walang kwentang pulitika na ang gustong mangyari ay umikot na lamang ang mundo natin sa kanila.

Tuesday, February 24, 2009

And the Oscar best picture ....

The 81st Oscar award was almost finish when I catch its live telecast here yesterday. It was a different set-up the host is not a comedian like Billy Crytalls and Whoope Goldberg. It was Hugh Jackman who played Wolverine from the X-MEN movie.
I don't know if it's the first time that a husband and wife was both nominated in Best Actor and Best Actress category? but Brad Pitt and Angelina Jolie is not that lucky but the couples are awesome isn't it? Kate Winslet what can I say? I already predicted that she's gonna win the Best Actress and i guess everybody was expecting it. and the big surprise is ...



Come to think of it the film was done outside Hollywood on a shoe-string budget. With no big star in fact those kids who appear in the movie was not actors and actresses in Mumbai, India. I salute the director and producer of the film for their passion. Now who say that Oscar was only for those who have money and big star?

Sunday, February 22, 2009

CURTAIN RODS

She spent the first day packing her belongings into
boxes, crates and suitcases.

On the second day, she had the movers come and collect her things.

On the third day, she sat down for the last time at their beautiful dining room table by candle-light, put on some soft background music, and feasted on a pound of shrimp, a jar of caviar, and a bottle of spring-water. When she had finished, she went into each and every room and deposited a few half-eaten shrimp shells dipped in caviar into the hollow of the curtain rods. She then cleaned up the kitchen and left.

When the husband returned with his new girlfriend, all was bliss for the first few days. Then slowly, the house began to smell. They tried everything; cleaning, mopping and airing the place out. Vents were checked for dead rodents and carpets were steam cleaned. Air fresheners were hung everywhere. Exterminators were brought in to set off gas canisters, during which they had to move out for a few days and in the end they even paid to replace the expensive wool carpeting. Nothing worked. People stopped coming over to visit. Repairmen refused to work in the house. The maid quit. Finally, they could not take the stench any longer and decided to move.

A month later, even though they had cut their price in half, they could not find a buyer for their stinky house. Word got out and eventually even the local realtors refused to return their calls. Finally, they had to borrow a huge sum of money from the bank to purchase a new place.
The ex-wife called the man and asked how things were going. He told her the saga of the rotting house. She listened politely and said that she missed her old home terribly and would be willing to reduce her divorce settlement in exchange for getting the house back.
Knowing his ex-wife had no idea how bad the smell was, he agreed on a price that was about 1/10th of what the house had been worth, but only if she were to sign the papers that very day. She agreed and within the hour his lawyers delivered the paperwork.

A week later the man and his girlfriend stood smiling as they watched the moving company pack everything to take to their new home.........And to spite the ex-wife, they even took the curtain rods!!!!!! I LOVE A HAPPY ENDING, DON'T YOU?

Wednesday, February 18, 2009

NEW BLOG NAME FOR A NEW YEAR

I finally change my blog name from IMPOSTOR to Y. Maybe I'm tired of being an impostor and I need a little make over for my blog site. Why Y? for the simple reason that it start with name Ysrael and maybe it could answer all the Y's in this world.

Thursday, February 12, 2009

BECAUSE YOU LOVE ME...

On February 14, 2009 my wife and I will celebrate our marriage vows and it was exactly 14 years when we promised each other the classic line's " till death do us part." Since then my wife always ask me the same question she asked 13 years ago " Why did I love her? and I always answered " Because you love me."

But we are not the issue here, yesterday I watch the Oprah show and it's features a young pinay singer named Charice. Oprah staff documented Charice trip to Madison Square in New York to meet her Idol Celine Dion and the rest is history. When I watch the video footage of Celine and Charice duet the song "Because You Love Me" the audience went wild, everybody was standing as they watching and hearing the two rendered that classic song. The sight was so moving that it gives me a thousand goosebumps. Maybe I was too proud of Charice because of her triumph and the fact that she is a Pinay who give us a pride as a Filipino. And Celine was so humble quite a diva. Check this out!