Pagkatapos ng mahigit 25 taon ang mga sundalo na nasangkot sa pagkaka-paslang sa dating senador Ninoy Aquino ay napalaya na sa bisa ng ehekutibong klemensiya na ibinigay ng Pangulong Arroyo. Dalawa lamang naman ang reaksyon ang Tumutol at ang Sumang-ayon. Sa mga tumutol siyempre kabilang na ang pamilyang Aquino sa pangunguna ni Noynoy at Kris. Sabi ni Senador NoyNoy, dapat ay humingi ng tawad sa kanila ang mga sundalo.(na para bang sigurado siya na may kinalaman ang mga ito sa konsperasiyang ito.) Si Kris naman ay pa-showbiz effect sa panunumbat at paiyak-iyak pang sinabi na nawalan daw siya ng Ama sa mahabang panahon.( Hay, naku Kris napaka-swerte mo nga sa lahat ng nawalan ng ama, dahil naging presidente ang nanay mo, naging senador ang kuya mo at naging showbiz host at artista ka na nagkamal ng pera at lalake.)
In fairness sa mga sundalo, ako bilang isa naniniwala na walang kinalaman ang mga ito. Sa aking pag-aaral at pagtatanong kadalasan kapag may operasyon ang mga kasundaluhan hindi naman talaga ibinibigay sa kanila ang detalye ng kanilang mga superyor. Mahirap makulong, ang iba nga diyan isang linggo pa lang nakukulong inaamin na na siya daw ang pumatay kay Jose Rizal, marahil kung may katotohanan ang bintang sa kanila ay may umamin na dito sa hirap ng pagkakakulong ng 25 taon.
Ang totoo tuwing ini-interbyu ang mga sundalong ito duon sa kulungan ay nadudurog ang puso ko sa pagka-awa sa kanila at sa kanilang mga pamilya. Naglingkod sa bayan ang mga ito at alam natin na mga fallguys lang ang mga ito. Dapat pa nga ay bayaran ang nawalang mga taon sa kanila.
Sa pamilyang Aquino marahil ang isang opsiyon dito ay muling buksan ang kaso at tumutok naman tayo sa posibilidad na si Galman talaga ang pumatay dahil sa pinatunayan naman ito ng isa sa pinakamahusay na forensic expert natin na kumakailan lang ay naglabas ng resulta sa mahaba niya pagsasaliksik. (hindi tulad nuon na halos lahat ay naniwala sa hakahaka na patay na si Galman bago pa pinatay si Aquino.)
Yun nga lamang ay medyo malabo ng matukoy kung sino talaga utak dito. Marahil ay patay na lahat ang mga pangunahing kasangkot sa krimen na ito na nagpabago sa kasaysayan ng Pilipinas. Katulad din ng kaso ni JFK ng Amerika, masakit din ito sa kanila pero sabi nga sa palasak na kasabihan sa englis "We have to move on.")
5 comments:
found you.
mali-maling URL ang iniiwan mo sa blog ko, di kita mahanap, lekat ka.
at dahil nandito na rin lang ako eh...
uhmmm...
ano, kwan...
ganito yun eh...
uhmmm....
i'll add you na muna sa blogroll ko.
God bless!
Salamat brotherutoy,
sa matiyaga mong paghahanap sabi ko na nga ba basta Pari may pasensiya.
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080128-115189/Pusila-pusila
Hoy gago, sobrang mali yang opinyon mo, Pilipino ka ba? panoorin mo sa youtube ito ang matatanga ka nalang.
http://www.youtube.com/watch?v=zuEPFt-Dd-Q&feature=related
panong si Galman, e fall guy nga diba? ang exit point ng bala ay sa baba ni Ninoy, at ang trajectory malamang, galing sa taas. nasan si Galman, lumilipad? Kung Pilipino ka, hinding hindi mo sasabihing inosente yung mga putang inang pulis na yon.
At, ang kapal ng mukha mong magsabi na "We have to move on", bakit, ikaw ba namatayan ng ama? Or mali ang sentence ko, KABILANG KA BA SA NAMATAYAN NG ISANG AMA? Pilipino ka nga, sa pagsasalita. Sa puso, WALA.
Post a Comment