Sunday, March 1, 2009

Sulyap sa EDSA

Nuong Pebrero 25, 2009 ay muling ipinagdiwang ang "People Power" sa Edsa at sa pagkakataong iyon ay medyo kumpleto na ang cast ng mga pangunahing personahe tulad ni Enrile, Honasan at Ramos. Pero hindi pa rin mapapasubalian na ito ay nilangaw dahil na rin naman wala ng interes na pumunta rito ang mga mamamayan na ginamit ng simbahan at mga politiko nuon. Siyempre wala si Cory Aquino, dahil hanggan ngayon ay galit-galit pa rin sila. At mula nuon ay naging tatlo-bente sinko na ang "People Power". Sa aking personal na pananaw ay wala naman talagang "People Power" na nagpapabagsak sa Gobyernong gusto nilang palitan. Lahat ng ito ay nagtatagumpay lamang kapag bumabaliktad ang militar. Kaya kapag walang hindi nakialam ang militar walang patutunguhan ang "People Power". Tama lang na hindi ito siputin ni GMA dahil lumilikha lang ito ng pagkabaha-bahagi sa mga Pilipino. Sana ay tigilan na ang pagdiriwang sa okasyong ito ng people power dahil hindi naman nakakabuti sa kabuuan ng sambayanang Pilipino, at nagiging dahilan pa ito ng hindi paghilom ng sugat dahil sa walang kwentang pulitika na ang gustong mangyari ay umikot na lamang ang mundo natin sa kanila.

4 comments:

Nyl said...

ayaw ko sanang isipin na tayong mga pinoy ay sobrang OA na sa mga bagay-bagay, yun bang kahit di naman dapat sini-celebrate ay cge go! pero nagiging totoo eh, OA lahat ng tao sa gobyerno kaya ayan ang daming issue na para bang sila lang ang nasa planetang earth.

hayy ewan!may sense ba comment ko?haha!

Anonymous said...

Unfortunatley, nawala ang sacredness ng People Power dahil imbis na ang bansa ang makikinabang, ang mga leaders ng peaceful revolution ang nagaway-away. Sa totoo lang nung nagrakoon ng Edsa II, namatay ang ispirito at dangal ng People Power :(

ysrael said...

Tama ka nga OA talaga tayong mga Pinoy. At minsan nakakakainis ng maging Pinoy.

ysrael said...

BW,
Hindi langnawalan ng dangal ang People Power naging katatawanan na ito. Ngayon naabuso pa ito mula ng pagtibayin ang batas tungkol dito.