Minsan kapag hindi ko agad nasundan yung huli kong blog post, hindi sa dahilan na wala akong masunod maraming dahilan din tulad ng parang gusto mong namnamin mabuti yung huli mong blog o kaya aasa ka pa na meron pang magbabasa nito o kaya hindi ka pa desidido kung ano ang isusunod mong i-post. Ang totoo maraming tumatakbo sa isip ko, pati na yung mga runners sa nakaraang olympic. Speaking of olympic, well tapos na ang Beijing 2008 at ang susunod ay London sa 2012. Isa sa gumugulo sa isip ko kung kaya rin kaya ng London ang ka-bonggahan ng Beijing sa opening at closing ceremonies? Kaya rin kaya nilang mag-produce ng isang Michael Phelps (siya lang naman yung naka-8 medalyang ginto at nag-break ng mga records sa swimming) at ang Jamaican runner na siyang pinakamabilis na tao ngayon sa mundo. (na-alala ko tuloy yung Ethiopian runner na hindi nagsasapatos pero nag-champion din sa Olympic (balita ko freak accident ang ikinamatay niya sa trampoline.)
bahala na ang taga-London bakit ko ba pino-problema yun eh marami naman silang sikat na Artist, mag-concert lang ito ok na.
At ano naman ang kapalaran ng mga Pinoy na atleta dati pa rin kasi bulok pa rin ang sport program natin. At ang isang sport na pumapatay sa sport program natin ay yung sobrang pagka-humaling natin sa larong basketball. (eh, wala rin naman pag-asa ang Pilipinas sa basketball.) Siguro bawasan natin ang mga sponsor sa basketball at ipalaro natin lalo na sa mga estudyante ang ibang sport na doon ay hindi kailangan ang heights factor para manalo
Ok na muna ito ha, maghahanap lang ako ng mabu-bugbog na mga sport officials natin.
6 comments:
Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong maghanap ng mabubuggbog ng mga sports officials ng ating bansa at tutulungan kita.
Hindi ako gaano nanood ng Olympics dahil sa hindi naman competitive ang mga atleta natin. Wala akong ganang palakpakan ang mga atleta ng ibang bansa. Mamatamisin ko pang manood ng SEA Games o kaya e ng UAAP kaysa manood ng Olympics. I have a lot more passion for amateur sports in our country than in the PBA and in the Olympics.
Ang pananaw yata ng ating pamahalaan ay obligasyon lang natin na lumahok sa Olympics. Hindi tayo lumalahok para manalo. Bad trip kung ganoon nga ang kanilang pananaw.
Panaderos,
Alam mo bang ang tagal na ng ganito excuse ng mga sport official na kulang ang pondo, pero bakit ang ibang bansa mahirap pa sa atin ay nakakapag-produce ng olympic's champion? Pwede naman na maging extensive ang selecting at training ng mga athletes dito sa atin. Idagdag pa dito ang palakasan system at corruption, eh wala talagang pupuntahan ang sport program natin.
pa'no hindi magkukulang ng pondo? eh sus, sa olympic lang mismo, mas marami pa atang mga taga-gobyerno ang nakakapunta kesa sa mga atleta mismo.
Sana mag-concentrate na lang tayo sa fencing, soccer, taekwondo, badminton, diving at ibang sports na may maganda tayong chance na manalo. Kaso mo, kailangan talaga ng igihang practice at magagaling na mga coach. Pera din yun. Bumabalik pa rin tayo sa isyu ng corruption. Hehe.
Yun ang alam na support ng mga ito sa mga atleta natin as if na ito ang sekreto para mag-excell sila sa performance nila sa olympic.Ang totoo gusto lang nilang mamasyal no!!
Abaniko,
yan nga dapat pag-isipan nating lahat, bawasan ang basketball sa buong Asia tayo lang naman ang nahuhumaling dito kaya ang mga kabataan natin ayaw sumubok ng ibang sport.
Post a Comment