Tapos na ang boksing sa pagitan ni MP at MAB, at gaya ng inaasahan ng mga Pinoy si Pacman ang nanalo. Ang totoo kaya ngayon lang ako nakapag-post ay dahil nakipag-boksing din ako sa mga bwiset na "virus" at "spyware" ng kompyuter ko. Sana naman ay balatuhan tayo ni Pacman mula sa humigit-kumulang na P308 milyones na kinita nya sa laban para makabili na tayo ng "Pentium 4" Nahihibang na yata ako ah? Sino ba naman ang hindi mahihibang sa ginawa ng kapuso natin sa laban na yon, halos isang araw nagpapalabas ng komersyal, Diyusme! Marimar, huwag naman sana pana'y pera ang nasa utak ng mga telebisyon estasyon na ito. Isipin nyo rin naman ang kasiyahan ng mga nanunuod. (Bulong ng taga-GMA7, "talagang ganon, pre, negosyo yan) namputsa negosyo daw o, e paano kami inuubos ninyo ang oras ng mga nanunuod ah. Siguro dapat pakia-alaman na rin ng MTRCB hindi lang ang uri lang ng kanilang pinapalabas siguro dapat magkaroon na rin ng regulasyon sa mga komersyal dahil sa sobrang dami nakai-irita na at minsan pati mga bata ay napupuyat dahil sa panunuod dahil sa dami ng komersyal. (Naalala ko tuloy si Cesar Asar, famous komik strip ito nuong dekada 70, may telebisyon siya na ang palabas ay puro komersyal)
Siguro wala ring solusyon ito, tulad ng dati tiis tayo,
hay, Buhay Pinoy talaga..sabi nga ni Manny Pacquiao ang buhay ay tulad ng boksing, walang katapusan pakikipaglaban sa hamon ng Buhay.
4 comments:
hindi na nga nakakatuwa ang mga commercials lalo na't puro mga "pampaganda" (shampoo, conditioner, pampapui, oil of olay, etc. etc.) mas marami pa tayong magagawang makabuluhan kaysa magtiyaga sa mga palabas na mas matagal pa mga commercials. one time nag record ako ng isang one hour show na walang commercials. bale yung sa one hour na yun eh 20 minutes ang mga commercials.
salamat nga pala sa dalaw! =)
And masakit pa nito eh, pati sa cable na buwan-buwan mong binabayaran ang serbisyo nag co-commercial na rin... lugi!!
Wow, nadaragdagan ang commenter ko
TY sa inyo kahit mga top bloggers kayo you have time to visit me and comments. Hindi lang yung iritasyon sa komersyal pati oras mo, kuryente lugi talaga tayo, kung sabagay hindi naman sila namimilit na manuod ka. Kaya lang ang mayorya ng mga Pinoy ay alipin na sa ganitong bisyo.
Dami ngang nabuwisit sa sobrang tadtad ng ads eh. Yung kapatid ko, umalis na lang sa kalagitnaan ng laro sa inis at gumawa gawaing-bahay. Ganyan talaga pag mahal ang rights. Babawiin sa commercials.
Post a Comment