Wednesday, October 17, 2007

Bwiset!!

Ang hirap maging mahirap lalo na kung kumakalam ang sikmura mahirap itong makausap. Ang lagi mong maririnig sa kanila ay "bwiset na buhay ito !" Sabi ng mga Intsik ang kahulugan daw ng bwisit ay walang pagkain at walang pera.
Katulad ngayo bi-bwisitin ka na naman ng napipintong pagtataas ng pamasahe dahil nag-petisyon na raw ang mga nasa hanay ng pam-publikong sasakyan na itaas ng 2 piso, kaya mula sa 7 piso ay magiging 9 piso na ang regular na pamasahe.
Ewan ko ba kung bakit tuwing nag-aaway ang transport group, gobyerno at mga kompanya ng langis at sa bandang huli nito ay tayong mga mamamayan ang magdurusa, kasali ba tayo sa away at usapan nila?

5 comments:

snglguy said...

As usual, kawawa na naman si Juan de la Cruz nito. Sa totoo lang masyadong mataas na ang singil ng pasahe kahit na ngayun pa lang. At ano naman ang nirereklamo ng mga jeepney operator eh ang mga sasakyan nila puro naman bulok at mausok pa... hay nako.

ysrael said...

totoo ka diyan, kaya talagang mahirap maging mahirap. Pulos na lang reklamo ang maririnig mo, Teka muna di ba sabi ni GMA gumaganda na raw ang ekonomiya natin?

SideWinderX said...

anong kaguluhan ito! at last you got a blog, for christ sake, it took you forever just to make this one. i'll be in touch w/ you through this friggin blog of yours. i've been busy lately bigtime, kinda hard of workin, pictorials deisgning (shit) and maintaining 3 blogs and our fuckin company's website. well. gotta start off the day, keep blogging! and please be spontaneous "not all people want to hear recycled news and commentaries" heheheh.. Blog -definition- a frequently updated online journal.

ysrael said...

to sidewinderx, tange 3 blogs din ang ginagawa ko kaya lang iba't-ibang tema ito. and I'm not new in blogging in fact more than a year ko na itong ginagawa, kaya lang hindi ko pwedeng ipa-access yun kasi personal at baduy yun. Dito ka na lang magtiyaga sa Impostor blog ko kasi pang-masa ito.
thanks for "bwisiting" he-he

Forever59er said...

Yan yata ang tinatawag na 'trickle down effect.' And yet dun sa sinasabing economic growth kuno, hindi man lang naanggihan ang madlang pipol. :(