Friday, October 19, 2007

BOMBA!

Nuong dekada '70, kapag sinabing bomba ay lalong pumapasok ang mga tao sa sinehan lalo na yung mga barako, kasi ba naman ito ang tawag sa mga x-rated films noon. Kasama rin ako bilang bahagi ng aking kabataan. Tanda ko pa sila Merle Fernadez, Yvonne, Ricky Roger, George Estregan (ayon sa tsismis ay namatay sa aids) at iba pang hindi naman sikat na artista.
ang nakaka-inis lang nakaabang na sa 'yo yung mga bakla na naghahanap ng masisila.
Kahapon ay ginulantang tayo ng balita sa pagsabog ng totoong bomba sa Glorietta, Makati. kumpirmado na bomba at hindi LPG ang sumabog. So, katakot-takot na imbestigasyon, espekulasyon ang maririnig mo sa mga awtoridad. Nagpi-pyesta naman ang mga news network at ang iba ay masyado ng naging-OA sa pagbabalita. Ang isang estasyon ay nag-bansag pa ng "Ground-Zero" na halatang ginaya sa Twin Towers sa Nueva York sa Amerika.
So, ano na naman ang magiging implikasyon nito?
A.) Kakalat ito sa buong mundo at magkakaruon na naman ng dahilan ang gobyerno na tuloy-tuloy na sana ang pag-ganda ng ekonomiya.
B.) Sisisihin ang Abu Sayaf o NPA.
K.) Panibagong impeachment issue ito sa Presidente.
D.) Muling mgapi-piyesta ang mga raliyesta sa kalye.
Takbo, bilis may bomba!!!

4 comments:

snglguy said...

Hmm, nakalimutan mo yata si Stella Suarez at Divina Valencia sa hanay ng mga bomba stars, hehe. Naalala ko pa yang mga sinehan sa Quiapo na nagpapalabas ng mga pelikulang gaya ng "Uhaw", "Gutom" at "Busog". Hay, nasaan na kaya yung mga babaeng yun?

Anyways, kung anu-ano na ang pumapasok sa imga isipan ng mga tao na kung sino ang nag paputok ng bomba...

ysrael said...

to single guy, Hindi naman kasi dekada '60 sila stella suarez (wala akong balita sa kanya) at divina valencia (napangasawa nito si Bernard Belleza at naging anak nila si Drandreb). Ito 'yung panahon na sumikat yung unang chop-chop lady sa 'pinas si lucila lulu, ruby towers a yung rape case ni maggie dela riva. Siyanga pala nakalimutan ko Scarlet Revilla kasabayan nito si Yvonne. Regarding sa Glorietta incident hindi muna talaga maaalis sa mga shoppers ang hindi nerbiyosin. Kaya ako kahit sa 680 lang sa Divisoria ako madalas mag-mall parati, di na ako nagsasama ng anak. Mahirap na.

snglguy said...

Yes, 60's nga pala sina Stella at Divina, kaya nga na-alala ko na may kanta pa nuon na "Divina Valencia, Stella Suarez nagbuburles" sung to the tune of "A Hard Day's Night" hehehe. Hmm... di ba Lucila Lalu yung chop-chop lady?

Siya nga pala, di ba it was during the late 60's nung nagkaroon ang Maynila ng serial killer na si Waway? :-D

Forever59er said...

Sarap naman ng nostalgia trip nyo ni sngl. Hahaha and i totally relate. Teka, kapanahon ka ba ni sngl?

Hey, so you play at isc. A cool scrabble place di ba? Maybe I play you one of these days. :)