Thursday, August 28, 2008

DEAL OR NO DEAL

Natutuwa ako sa kwentong ito kaya share ko sa iba

Kris: Magandang gabi mga kapamilya, sa gameshow na ito importante ang sagot sa nag-iisang katanungang Deal or no Deal. Ang ating player ngayong gabi ay walang iba kundi ang fastest-rising household services manager na si Inday![umentra si Inday at nagpalakpakan ang mga tao]

Kris: Ok Inday, choose a briefcase.

Inday: Kris, I would opt for case #4 please.

Kris: Briefcase # 4… si Sharmel. Inday, matanong ko lang, how did you come up with the number 4?

Inday: Oh, do you really want to know Kris?

Kris: Oo naman. I’m sure kaya ko naman maintindihan yung sasabihin mo eh.

Inday: The number 4 was acquired based on a probability distribution function that involves integrating up to an area greater than or equal to that random number which should be generated between 0 and 1 for proper distributions.

Kris: Syet. tanong tanong pa kasi eh.
Kris: Ok Inday, choose 6 briefcases to open.

Inday: I would opt for 7, 24, 12, 2, 15 and 20.

Kris: Wait lang Inday, usually isa isa lang ang pagbubukas natin ng case…

Inday: Why is that? As if I can change the outcome if we’re to open a case each time I blurt out a number as opposed to opening each case immediately one after the other right?

Kris: Hayyy…babaguhin pa talaga mechanics (bulong sa sarili).
Kris: Anwyay, di bale na lang nga… tuloy tayo. Number 7. Natalie buksan na!![Yung audience sumisigaw ng LOWER!! LOWER!!!]
Kris: Teka lang, bago natin buksan… Inday, usually ang mga contestants naten ay sumisigaw ng “LOWER" every time magbubukas ng case.

Inday: Kris, I guess that’s not the way I was taught in grade school. You see, I was taught that we should only use the comparative form of the word or add “ER" to the adjective if we are comparing two things. And since it is only the first briefcase that we are going to open, we have nothing to compare it to. Am I right? [natahimik ang audience at napaisip]

Kris: Oo nga no! Kris: Sige Natalie, Buksan mo na.[Ang laman ng briefcase 7 ay Piso… Palakpakan ang mga tao]
Kris: Good start! Ano yung next case mo ulit?

Inday: Case number 24 please.

Kris: Chloe… buksan na…[Audience sumisigaw ulit ng LOWER!! LOWER!!]
Kris: Wait lang guys, Inday may nabuksan ng case baket di ka pa rin sumisigaw ng “Lower" ?

Inday: Oh my goodness Kris, how long have you been doing this? Have you ever encountered a value that is lower than a peso in this game? Tell me, is there any value left lower than the one we just opened? Sheesh.[Napaisip ulit ang audience at natahimik]

Kris: Aarrgghh!!!! Chloe buksan na lang nga, pati na rin yung 12, 2, 15 and 20 buksan na rin para matapos na. [naiirita na][At sunod sunod na ngang nabukas ang mga case ni Inday][nag-ring ang phone]

Inday: Ahh Kris, to save more time can you tell Banker that I’m not interested in his first offer. In the history of this game of chance, I have yet to see someone accept a first offer from the banker. It’s quite pathetic and pretentious for contestants to pause and look around the audience as if asking for advice before ultimately rejecting the first offer. I mean come on, isn’t that a waste of airtime?

Banker: Potahhh!!! [narinig sa set kahit sarado ang kwarto ni banker]- Ito ang unang pagkakataon na marinig ng mga audience ang boses ni banker sa Deal or no Deal.… dumating na sa kalagitnaan ng show at mukhang minamalas na si Inday…

Kris: Ok Inday, mukhang kelangan na natin ng tulong sa mga friends mo… sino ba yung bigotilyong lalaki na naka-polo? Ano name nya?

Inday: Ahh, that’s my master Mr. Montemayor.

Kris: Ahhh sya pala yun, how cute naman pala eh. Sige sir, give us a number.

Mr. Montemayor: Hi Kris, good evening. I’m a fan. I choose number 22 please.

Kris: Ano Inday ok ba yung number 22?

Inday: Whatever, we shouldn’t bite the hand that feeds us anyway. Go ahead.

Kris: [taray naman] Sofie, buksan na![ang laman ng briefcase 22 ay 5,000]
Kris: Good job! Sino naman yung gwapong lalake na naka jumper na katabi ni Mr. Montemayor? What’s his name?

Inday: Ahh, that’s my on again off again boyfriend, Dodong the gardener.

Kris: Ooohh, sya pala yun. Ok Dodong, give us a number!

Dodong: Hi babes, I choose briefcase 9 if it’s ok with you. If not, it’s ok with me as long as it’s ok with you.

Kris: Ano raw? Inday, number 9 daw ok say0?

Inday: Yes Kris, it’s fine with me.

Kris: Wow ang bait pag kay Dodong. Ederlyn… buksan na!!…nanlaki ang mga mata ni Inday at hindi sya makapaniwala. Natahimik at mukhang kakapusin sya ng hininga…

Inday: YOU!!! How dare you invade my moment![nagulat si Kris at ang mga audience sa reaksyon ni Inday. Nagpatawag si Kris ng commercial break at nagpakuha ng tubig para kay Inday.]Nagkatitigan sina Inday at Ederlyn. Nakangisi si Ederlyn habang hawak ang briefcase ni Inday.

Ederlyn: Pinapangako ko, Inday… pagbukas luluhod ang mga tala! hahahahaha!

Inday: What? Can you speak up? What are you mumbling up there. Can somebody give her a microphone please?

Kris: Ano ba!! Tama na nga ang drama ninyo, Ederlyn buksan mo na ang case at umexit ka na kung ayaw mong mapalitan! (naiirita na si Kris)Dali-daling binuksan ni Ederlyn ang briefcase at ang laman ay… P3,000,000.Nanghinayang ang mga audience… Ang mga natirang values ay 250, 1K, 20K, 50K, and 500K.Inday: NooOoo…. (sabay tingin kay Dodong at napapaluha), how could you…Dodong: I’m so sorry Inday, please forgive me.

Kris: Hayyy, drama again. Ang offer ni banker sa pagbabalik ng Kapamilya, Deal.. or No Deal![pagtapos ng commercial break… mukhang composed na ulit si Inday]

Kris: Inday, are you okay? Ang offer ni banker ay 99 thousand pesos. ‘Sing rami siguro ng pilipinong pinadugo mo ng ilong. Is it a Deal or No Deal?Tahimik lang si Inday tilang may kinocompute sa ulo habang ang mga audience ay nagsisigawan ng “No Deal!" , ang iba naman ay “Deal!" .

Kris: Wait lang, kung mapapansin ninyo we have only have 5 cases left, and among those 5, apat doon ay mas maliit na value…

Inday: Kris, do you mind? Can I do my own thinking?Natameme si Kris, pati ang audience ay natahimik.

Kris: Taray to the max! (pabulong sa sarili)

Inday: Ok, I’m ready. Upon looking at the reality of the situation, 80% of the cases left have at least 49K less than the banker’s offer. The only way I can do better than what is offered is that if my case contains the 500k or I’d get to open one of the four lower values. But I have to keep in mind that there’s only 20% probability that this would happen. I have to take note, however, that the banker’s offer is roughly around 15% lower than the offer I expected based on the arithmetic mean of the values left.

Kris: Lorddd… panaginip ba ‘to? Ayokonaaa….

Inday: Accepting a deal for less than the mean should generally be regarded as a weak decision so I would say, NO DEAL!Limang briefcase na lang ang natitira at kasama na doon ang case ni Inday…

Kris: My God, nakaka-stress itong episode na ito ha. Baka dumugo na rin ang ilong ko sa’yo Inday. Sige Inday, go ahead and choose 1 briefcase!

Inday: Ok Kris, I choose briefcase #5 please?

Kris: Briefcase #5! Mimi bago mo buksan yan I would first like to thank Figliarina by Schubizz for my sandals, Bambi Fuentes for my hair and make-up and Pepsi Herrera for my gown tonight.

Kris: Ok Mimi, buk…

Inday: Ahh Kris, can I also take time to thank a few people? I mean, I did save us a few minutes of airtime right?

Kris: (“kapal naman talaga ng mukha!" …bulong sa sarili) Sige, ok lang go ahead. (naka-smile pa rin)

Inday: Thanks! Yes, I would like to thank Frank Provost for my hair and make-up, Jimmy Choo for my sandals and my dear friend Oscar dela Renta for my gown tonight.BLAG!! Tinumba ni Kris ang podium at nagwalk-out. Hindi na natapos ang show kaya’t binigyan na lang ni Banker si Inday ng kalahating milyon para sa kanyang oras.

Inday: Oh, and thanks to the people of Cartier for sending me these nice earrings for tonight!

[Ito ang isa sa mga un-aired episode ng Kapamilya, Deal or No Deal]

Monday, August 25, 2008

Ang Olympic..Bow

Minsan kapag hindi ko agad nasundan yung huli kong blog post, hindi sa dahilan na wala akong masunod maraming dahilan din tulad ng parang gusto mong namnamin mabuti yung huli mong blog o kaya aasa ka pa na meron pang magbabasa nito o kaya hindi ka pa desidido kung ano ang isusunod mong i-post. Ang totoo maraming tumatakbo sa isip ko, pati na yung mga runners sa nakaraang olympic. Speaking of olympic, well tapos na ang Beijing 2008 at ang susunod ay London sa 2012. Isa sa gumugulo sa isip ko kung kaya rin kaya ng London ang ka-bonggahan ng Beijing sa opening at closing ceremonies? Kaya rin kaya nilang mag-produce ng isang Michael Phelps (siya lang naman yung naka-8 medalyang ginto at nag-break ng mga records sa swimming) at ang Jamaican runner na siyang pinakamabilis na tao ngayon sa mundo. (na-alala ko tuloy yung Ethiopian runner na hindi nagsasapatos pero nag-champion din sa Olympic (balita ko freak accident ang ikinamatay niya sa trampoline.)
bahala na ang taga-London bakit ko ba pino-problema yun eh marami naman silang sikat na Artist, mag-concert lang ito ok na.
At ano naman ang kapalaran ng mga Pinoy na atleta dati pa rin kasi bulok pa rin ang sport program natin. At ang isang sport na pumapatay sa sport program natin ay yung sobrang pagka-humaling natin sa larong basketball. (eh, wala rin naman pag-asa ang Pilipinas sa basketball.) Siguro bawasan natin ang mga sponsor sa basketball at ipalaro natin lalo na sa mga estudyante ang ibang sport na doon ay hindi kailangan ang heights factor para manalo
Ok na muna ito ha, maghahanap lang ako ng mabu-bugbog na mga sport officials natin.

Thursday, August 14, 2008

THIS BLOG TELLS ONE LINER

Minsan may mga usapin na hindi na dinadaan sa mahabang usapan;

Nagsasawa na ako. Mabuti pang patayin mo na lang ako" - electric fan

" Hindi lahat ng walang salawal ay bastos" - Winnie d' pooh

" Wala na ba akong karapatang magmahal? " - gasolina

" Hindi lahat ng green ay masustansya." -plema

" Ayoko ko lang naman na sa harap ng maraming tao ganun mo na lang ako itanggi.." -utot

" Sawang sawa na ako palagi nalang akong pinagpapasa-pasahan, pagod na pagod na ako." - Bola

" Hindi lahat ng pink, KIKAY!" - Patrick (friend of sponge Bob)

" Mahirap ba talagang makontento sa isa? bakit palipat-lipat ka? -TV

" Hindi lahat ng maasim ay may vitamin C " - kili-kili

" Ulit-ulitin mo man akong alisin sa buhay mo, babalik at babalik pa rin ako " -libag

" Huwag mo na akong bilugin! " - kulangot

" Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo? " - Lego block toys

" Hindi lahat ng dugo ay puwedeng i-donate " - regla



" Bawl tumaye dewto" basa ng turistang kano sa nakasulat sa pader " Bawal Tumae dito."

" Alam ko naman na katawan ko lang anghabol mo." - wife of an tattoo artist

"One fifty pa po." - jeepney at tricycle drivers na nagtaas ng pamasahe

" Ang haba naman ng pila" reklamo ng mga bibili ng NFA rice

" Sana tumama ako. " tumataya sa lotto

" Huwag po, lolo ! - A girl being molested by her grandfather.

" Matagal na kaming nakatira dito!" - sigaw ng mga eskwater na dine-demolish ng MMDA

" Hu-hu-hu-hu? " -iyak ng mga upahang crying ladies

" Hu ~ hu - hu -hu - ! - " - iyak ni Jinggoy ng mamatay si Daboy

" Si Zsa-Zsa ang viagra ko " - Dolphy

"Ayoko ko na, talaga ! " - reklamo ng 4 na beses ng bumabagsak sa board exam

" Bakit ang taas ng bill ko! " - Reaksyon ng kostumer ng Meralco bill

" Huwag dyan, Huwag dyan, may kiliti ako dyan " - kanta ng the Bodies.

" Walang kai-kaibigan, walang kama-kamag-anak." - Erap inaugural speech

" Tandaan ang buhay ay weather-weather lang " - Kim Atienza (weather forecaster)

"Ang nakatira sa siyudad, may urbanidad" - MMDA Chairman Bayani Fernando

" Teka, Saan ninyo ako dadalhin? - Jun Lozada (when he was escorted upon his arrival)

" Walang tawirang nakakamatay" - Footbridge

" Kasalanan ng PAGASA" -sagot ng Sulpicio sa paglubog ng kanilang barko.

" Ibagsak si Gloria ! - sigaw ng mga militante nuong SONA.

" ???????" - mga nakinig sa SONA

" I am sorry." - (GMA)


Friday, August 8, 2008

08-08-08

Time: 8:00 p.m.

Opening of the 29th Summer Olympic in Beijing, China. 8 is a lucky number among the chinese and they're quite lucky when they won the bidding (after several denials) in hosting the 2008 olympic.


BIRD'S NEST - SIGNATURE STADIUM OF THE BEIJING OLYMPIC




The National Stadium also known as the Bird's Nest, lit up at night during rehearsals for the opening ceremony of the 2008 Olympic Games in Beijing.
The stadium seats 91,000, boasts a floor space of 258,000 sq meters, and will host both the opening and closing ceremonies, as well as all track and field events and the soccer final.

The large steel skeleton of the project weighs 42,000 tons, with the roof and the hanging parts around it accounting for 11,200 tons. The stadium has taken nearly three years to be built


The "fuwa" are Beijing's Olympic mascots. The five mascots, which resemble cuddly teddy bears, represented four of China's most popular animals -- the fish, the panda, the Tibetan antelope and the swallow -- as well as the Olympic flame.

"Fuwa" is a Chinese word that translates as blessed or happy children. The mascots were intended to symbolize China's welcome to the children of the world for the Games, according to the Olympic organizing committee.



Side Note:

We, Filipinos considered the no. 8 as unlucky number. Our folks called this number as "pilipit' and they keep on advising to refrain from business, marriages, travels etc..
On that no. 8 supertition...Tsino are optimistic while the Pinoy is pessimistic.

Honestly I don't believe that number has something to do with luck and bad luck.

But I'm still hoping that our athletes will compete well and bring home the medals.

Monday, August 4, 2008

KORYENTE!

Sa mga taga-Media pag sinabing koryente ibig sabihin 'yung scoop o malaking balita ay hindi pala totoo. Pero sa totoong koryente yung ginagamit natin sa bahay na may kasamang electric bill ito ang totoo.

Bilib ako sa commercial ni Juday, biro mo naipaliwanag niya in 30 sec ang masalimuot na system loss na yan..:) Na ang system loss daw ay ay katulad ng pagbili natin ng yelo na natunaw habang papauwi tayo. Tama si Juday sa kanyang paliwanag ng system loss, pero kung tayo ang bibili ng yelo at ayaw talaga nating mabawasan ang yelong binili, siempre magdadala tayo ng styrofoam ice box o Coleman.

Ang tawag diyan ay increase the efficiency. Kung baga sa mga distribution utilities ayusin nila nang husto ang electrical network, pati na ang mga substation and step-down transformers para nagooperate sila sa maximum efficiencies. Kung lumang-luma na, palitan o di kaya imaintenance. Tapos, ireduce, at kung maaari ay alisin, ang mga administrative inefficiencies, tulad ng wrong meter readings, pilferage ! at kung ano ano pa...
At alam ba ninyo na hindi lang meralco ang nagpapasa ng system loss? Pati ang TRANSCO na government owned at siyang nag me maintain ng power grid. Balak ipasa or naipasa na ng TRANSCO ang 2.98% ng system loss nya sa meralco.. at syempre kanino pa ba naman iyan sisingilin ng meralco..

Ngayon alam na natin kung bakit natunaw ang yelong binili ni Juday.. pero part pa lamang yan ng equation kung bakit mataas ang singil ng ating koryente, kunin ang electric bill.. at heto ang component ng ating electric bill...

Generation charge Tax on Generation charge
Transmission charge Tax on Transmission charge
System loss Tax on System Loss
Distribution, Metering and Supply charges
Lifeline rate subsidies Tax on distribution, metering and supply charges and lifeline rate subsidies
Local franchise tax Universal charges
I-add mo lahat yan at yan ang total electric bill mo.

At ang malupit dito ay 5 beses tayong sinisingil sa tax (ow, baka koryente nanaman yan?, paki paliwanag nga?) Ok,(kapit kaibigan baka mahulog ka sa kinauupuan mo)
Para lalo nating mapansin, ganito ang flow ng kuryente bago dumating sa bahay natin.. Ang napocor or IPP ang mag po produce ng koryente...bago pa maka alis ng planta ang koryente, magbabayad na tayo ng tax na 51 cents /kwh. Ang kuryenteng iyan ay padadaanin ngayon sa TRANSCO, papunta sa distribution utility natin gaya ng Meralco.. Muli tayong bubuwisan ng gobyerno, this time 11 cents/kwh Pag nakarating sa Meralco ang kuryente, muli sisingilin tayo ng buwis ng gobyerno, ng distribution tax at franchise tax... At dahil magbabayad tayo ng system loss muli na naman tayong bubuwisan ng gobyerno... ng system loss tax.. At eto pa ang kwela sa lahat, after i-suma ang iyong electric charges.. papatawan kang muli ng tax.. this time yung 12% e-vat. Imagine 5 Tax na binayaran mo, yung tax na yun eh (bubwisitin ka pa, este)bubuwisan pang muli ng isa pang tax... Ang alam ko po sa batas bawal ang double taxation... pero sa ginagawang ito ng gobyerno.. siguro naaayon na sa batas kase lampas na sa double eh (sarcastic lang po)

At upang madagdagan pa ang sama ng loob nating mga Pinoy... Ang napocor, ayon sa batas ay kinakailangan mag imbak ng supply ng coal na tatagal ng 5 taon.. pero ano ginagawa ng napocor... sasairin nila yung supply nila ng coal upang tumagal lamang ng isang taon, at dahil paubos na, mapipilitan silang mag conduct ng emergency purchase na di na dadaan sa bidding.. or kung dumaan man, dahil sa ikli ng time table, walang makakapag- bid. Kaya si Napocor bibili ng coal, hindi sa lowest bidder, kundi sa kanilang preferred suplier.. ang masaya pa nito, anlaki na ng patong.. higit pa sa doble ng actual price ng coal sa market.. idagdag pa dyan ang arkila ng mga barko na gagamitin sa pag ta-transport ng coal... na syempre muling pagkakakitaan ng mga Napocor executives.

Sobra na nga pinapataw na tax sa atin ninanakawan pa tayo ng gobyerno natin..NG EXECUTIVE AT LEGISLATIVE DEPARTMENT KUNG MINSAN SUMASAMA NA RIN ANG JUDICIARY: ito ay classic case na naman ng That the Philippines is really run like hell by the Filipinos.

AAARRGGGGHH! (BUHAY KA PA BA?)