(Ang araw na ito ay ang pagpapahayag natin para sa ating kalayaan. At ito ang tunay na kalayaan ang tayo ay makapag-pahayag ng ating isipan at damdamin sa pamamagitan ng pagba-blog)
Ang Blog na yata ang pinakamagandang pangyayari sa internet dahil dito ay napakaraming isipan at pananaw ang iyong matutuklasan hindi tulad dati na monopolisado lang ito ng iilan na manunulat sa diyaryo at magasin. Ngayon kahit sino ay pwedeng mag-blog sa iba't-ibang kategorya at hindi mo na rin problema ang matanggihan ng mga publikasyon dahil ikaw na rin ang awtor at patnugot nito. Ayon sa pag-aaral mahigit 200 libong pinoy na ang nagba-blog sa iba't-ibang kategorya, Hanap-buhay ito ng ilan, marami rin na ginagawa itong talambuhay, ang iba'y wala lang (tulad ko) pero ang nakakatuwa meron nabuboong magandang ugnayan sa mga blogista at ito ang magandang parte marami kang nagiging kaibigan na kasundo mo at kasalungat na rin sa takbo ng iyong isipan
Kaya blog na kaya mo ito, bro!
2 comments:
Sumasangayon ako sa lahat ng sinabi mo tungkol sa blogging. It gave rise to a new breed of writers -- who have found a venue to speak to the world.
Anna, Ang masaya pa nito completely may laya ka to whatever thing you say. Kaya nga pag may katwiran I-blog mo.
Post a Comment