Ang mga Pinoy sa ating henerasyon ngayon ay hindi mo na makikilala sa dami ng identidad, dumagsa ang napakaraming termino at katawagan sa kanila, marahil ang mga ito ay dahil na rin kakapusan sa buhay. Ang hostess at beylarina nuon ay naging GRO na at Japayuki ngayon, may mga pang-masa rin na pokpok sa kalsada, na sa napagkasunduan halaga ay pwede ng maibsan makamundong pagnanasa ng ilan sa mga hayok sa laman. May mga macho dancer na hinihimas ang kanilang mga ari habang nagsasayaw upang bigyan lang ng kasiyahan ang mga matrona at bakla. Sumulpot na rin ang mga dance instructor (DI) mga bayarang "Crying Ladies" sa Binondo, Mga nagkalat na TeleEvangelist at mga preacher sa kalsada at bus. Mga masahista at singer na bulag sa mall, footbridge at bangketa, Ang mga "Call Boy" na kadalasan kinakapit sa mga lalaking nagbebenta ng aliw ay kinakapit na rin sa mga "Barker" ng pasahero sa FX at Jeepney. Sa pagarankada ng Globalisasyon meron na tayong mga Overseas Contract Worker (OCW) mga bagong bayani sabi ng Gobyerno, na sa hanay ng mga ito ay matatagpuan natin ang mga seaman, domestic helper, mga hosto sa Japan, caregivers, mail order bride, at maging sa hanay ng mga propesyonal. Siguro Pinoy na rin ang bansag natin sa mga ss:
"Whistle Blower" (na ginagamit naman ng kongreso at senado para sa mga ekpose at hearing laban sa administrasyon).
Mga Pulitikong lumalabas sa mga "commercial ads".
Ang telebisyon na-nagbibigay ng kaunting aliw sa paulit-ulit na tele-drama na hango sa naman sa kwentong komiks nuon ay siyang kinahihibangan ng masa mula sa pag-giling ni Marimar hanggan sa pag-langoy ni Dyesebel.
Ngayon ang pagkatao ng mga Pinoy ay lubhang bumaba mula sa pagiging timawa sa pagpila sa bigas hanggan sa pagbebenta ng mga laman-loob para mabuhay lamang sa mundong ito. Umaalsa ang masa habang patuloy na nagmamahal ang arina.
Halina kalkalin natin ang basura at magkunwaring ayos lang ang buhay at pamumuhay. Hay, Pinoy....Sino ka na ba?
7 comments:
Malungkot talagang isipin na ang laki ng ikinabagsak ng kalidad ng ating buhay. Pag napupunta ako sa NAIA, nalulungkot ako kapag nakikita ko na ang dami nating kababayan ang umaalis para lang mag-trabaho sa ibang bansa. Mga pamilya ay nagkakahiwa-hiwalay para lang magkaroon ng magandang kinabukasan at pag-asa sa buhay.
Hindi ko na alam, sa totoo lang, kung may pag-asa pa talaga na umasenso ang bansa natin. Ang gulo na ng pamamalakad at naglalayasan na rin ang mga mahuhusay na guro para magturo sa ibang bansa. Paano na ang mga susunod na henerasyon ng kabataan? Hay.
Wala na nga siguro tayong magagawa kundi ang mag-buntong-Hininga, Hayy...
makikitambay po at makikibuntung hininga na din.. haaay!
ang magagawa na lang natin ngayon e patuloy pa din magsumikap para sa atin at sa pamilya natin. kahit naman siguro umakyat tayo sa pinakamataas na building dito sa pilipinas at isigaw ang mga saloobin natin e mananatili pa ding bingi ang gobyerno kasi karamihan sa mga tao dun makasirili... tingnan na lang natin yung halimbawa ng ginawa nung nanghostage ng mga bata sa bus! hindi ako sang-ayon sa ginawa nya kahit na maganda ang intention nya.. narinig sya ng mga tao, narinig sya ng gobyerno, narinig sya ng buong mundo! pero anong nangyari?! natinag ba ang gobyerno?! di ba pribadong tao pa din ang nagmagandang loob na magbigay na tulong?
hay naku ulit..
para kay panaderos, tayo na lang ang magturo sa mga anak natin at umalalay sa kanila. at pag naging mabuting tao sila, kahit pano pwede din silang maging halimbawa sa ibang kabataan na makakasalamuha nila. sabi nga habang may buhay, may pag-asa basta wag lang tayong mawawala sa pananampalataya natin maging ano man ang relihiyon o grupo na kinabibilangan natin.
i-link ko to ha. salamat!
Hay, Pinoy. Saan ka nga ba papunta? !
Kay tagal na nating umaasa. On the verge of an economic take off daw. May psychic and political take off pa after edsa 1 and 2.
Na flat tire? Nawalan ng gasolina? Nawalan ng direksyon ang driver .. na .. ano na nga ba?
Salamat Lei sa pagbisita, Sabi ng matatanda, masama raw ang parating nagbubuntong-hininga dahil malas daw ito at pagpapakita ng kawalan ng pag-asa. Hindi lang talaga natin maiwasan at bakit nagyayari ito sa pilipinas.
Anna, ano na nga ba? Hindi ko rin alam kung kanino ko ibabato ang tanong na ito eh.
kahit paano saludo pa rin ako sa mga kababayan nating may mga trabahong kakaiba.
isipan mo ha, kaya ng Pinoy ng kahit anong gawain para lang mabuhay at makakain
ewan ko nga ba kung saan na papunta ang Pilipinas...
sabi ng student ko na Japanese, after world war two daw, naghirap din ang Japan, pero nagsumikap sila kaya economic giant na sila ngayon...
ang tingin nila sa ating mga Pinoy, mga tamad?
papayag ka ba na sabihin nila yan?
Post a Comment