Sunday, July 5, 2009

ANG ALAMAT KUNG BAKIT NAGSISINUNGALING ANG MGA LALAKI...

Karpintero itong si Juan at isang araw eh gumagawa siya
ng isang bahay sa tabi ng ilog.
Sa lakas ng pagmamartilyo niya eh nalaglag ang martilyo
niya sa ilog.

Umiyak siya at lumitaw ang Guardian Angel niya.
"tutulungan kita Juan" sabay lundag sa ilog. Umahon ito at
hawak ng ang "Golden Hammer" "Ito ba ang martilyo mo?
"Hindi po", sagot ni Juan. Lundag ulit ang Guardian Angel
at paglitaw ay may hawak namang "Silver Hammer" ito ba?
...Hindi po! Lundag ulit ang "angel" at pag litaw ay may
hawak na itong "Ordinary Hammer" "ito ba? ..."Opo!"
Natuwa ang anghel. " Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo
ay ibibigay ko na rin sa iyo pareho ang Golden at Silver hammer!

Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Juan sa may ilog
at kasama ang Misis niya. Eh sa hindi inaasahang pangyayari,
nalaglag si Misis sa ilog...iyak si Juan
Litaw si guardian Angel, "tutulungan kita"
...sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh kasama si...
Jennifer Lopez,



"ito ba ang misis mo ?" ... sagot si Juan,
"Opo"...Nagalit ang anhel, Sinungaling ka,
akala ko pa naman ay mabait ka!"

Nag-reason si Juan, "sorry po Angel...
kasi pag sinabi kong hindi, eh lulundag ka ulit
sa tubig at paglitaw mo kasama mo si Britney Spears.



At pag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko,
eh lulundag ka uli at ang tunay na Misis ko na ang kasama mo.
At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin
sina Jennifer at Britney.

Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa,
kaya 'Yes' na lang ang sinagot ko nung una.

***
Moral of the story:
Kaya lang naman nagsi-sinungaling ang mga lalaki,
Eh, for a good and noble reason.

6 comments:

R Panaderos said...

Tama ka diyan, Pare ko. Palaging may higit na marangal na dahilan kung bakit tayo nagsisinungaling sa ating mga mahal sa buhay. Sana naman ay maunawaan nila tayo.

Anonymous said...

hahaha.. that's a funny story bro :)

ysrael said...

Panaderos,
sana nga, pero ako lagi akong nabubuking pag nagsisinungaling ako, di ko alam magaling lang talaga manghuli ang misis ko o hindi lang ako magaling magsinungaling.

ysrael said...

BW,
natuwa ako dahil sa natuwa ka rin

Jonathan P. Razon said...

aba, e mahina yung lalaki...ipagbili nya yung golden hammer nya para masustentuhan niya yung asawa nya at si jennifer at britney,...hindi na siya nagsinungaling,..nakuha pa yung dalawang bonus sa buhay nya...

Facebook Top Ten said...

best of pinoy jokes at kalokohan namga kwento mula kay chupot