Monday, October 1, 2007

Samu't-saring pangyayari

Si Chairman Abalos ng Comelec nag-resign, kaya nag-resign na rin ang kampanyang impeachment sa kanya. Samantala si Senadora Santiago naman ay galit na galit sa isang kolum sa pahayagan na diumano'y naninirang-puri sa kanya ng personal. Si Marimar naman at Fulguso ay napadpad sa Maynila, salamat at nakita niya roon si Inocencia. Handa na raw si Pacquiao sa laban nila ni Barrera. Pumasok sa finals ng UAAP ang La Salle, Bagyong hanna wala na, pumalit si Ineng.
Samu't-saring pangyayari na napapakinggan at napapanod sa telebisyon kung saan nakatutok ang maraming Pinoy na sugapa na sa ganitong pampalipas-oras, kahit bwisitin pa ng sandamak-mak na komersyal ng shampoo.

4 comments:

snglguy said...

Tapos samahan mo pa ng paglait sa mga Pilipinong doktor na graduate sa unibersidad natin ng isang desperadong maybahay (desperate housewife), kumpleto na ang linggo natin, hehe. :-D

snglguy said...

Teka, ako yata ang una mong commenter ah...

ysrael said...

Salamat sa 'yo Single guy at sa wakas may bumasa rin ng aking blog, masaya na ako dahil feeling ko lehitimong blogger na ako.

snglguy said...

The trick is to just keep commenting on other blogs that you think are interesting, and they'll come. Sooner or later...

Lotsa luck, pare. :-)