Sa nakalipas na dalawang linggo ng buwan na ito ay hindi tayo magkamayaw sa pagbubunyi sa mga bagong bayani sa ating henerasyon (pasintabi sa mga OFW, sila ang orig na mga bagong bayani) Una yung bago at pinakamataas na karangalan sa larangan ng boksing ang pagsungkit ni Manny Pacquiao sa 7 korona na siya pa lamang nakagagawa. May sumunod pa rito ang boksingero na si Rodel Mayol ay naging kampeon din sa kanyang ika-5 pagtatangka (bagama't hindi gaanong sikat tulad ni Pacquiao, ito'y dagdag karangalan pa rin sa ating bansa sa loob lamang ng isang linggo.
Pero ang tunay na hinangaan ko ang totoo ay medyo naluha pa ako ng i-announce ang CNN Hero Of The Year. Siya ay si Efren Penaflorida, who started a Kariton Classroom to bring education to poor children. Grabeh ang sikat nitong si Efren, at mas sikat pa siya sa katukayo niyang si Efren "Bata" Reyes ng Billard. Hindi na ako magtataka kung sa mga susunod na araw ay magdidikit na dito si Chavit Singson at Lito Atienza. $100,000 ang grant sa kanya ng CNN (isa-suggest ko sa kaniya ang business na "Kariton Network" pwedeng maging franchise ito)
Naging panandalian lamang ang pagbubunyi natin sa mga bayaning ito dahil may sumambulat na balita na nagpagalit sa atin lahat, ito yung Maguindanao Massacre na 57 ang mga natuklasan patay at maari pang madagdagan (kabilang dito ang 27 na taga- media)na ang nahuhukay na pinaslang ng mga walang budhi na ( pasensiya na hindi ko pwedeng tawagin tao ang mga salarin na ito) ayon sa ulat ay away pulitika ang naging ugat nito. Hindi ko ito maintindihan na ang politiko na may layunin makapaglingkod sa tao, ay kailangan pang pumatay ng kanyang lapwa-tao.
Kung totoo ang alegasyon na ang mga Ampatuan ang may kagagawan, siya na ang panapat nating kontra-bayani laban kina Pacman at Penaflorida.
Hay, hindi na tayo naubusan ng malalaking balita samantalang napakaliit ng ating bansa.
Pacquiao outbox Cotto
" at muli kung nasungkit ang pinakasikat na tao sa Pilipinas, sorry kung bumaba ang rating ni Noynoy at ni Mang Tani ng PAGASA.
"Efren Penaflorida won CNN Hero of the Year 2009 " may $100K na ako, marami ng kariton akong mabibili, at hindi po ako tatakbo sa 2010 at kahit alukin ako ni Oliver Lozano na maging Bise-Pesidente niya."
" Akala ko mga nagpapahinga lang sa park ang mga ito at natutulog, yun pala mga tsugi na."
Ampatuan
" ako nga si Ampatuan huwag ninyo akong pagbintangan na mamatay tao, di ako marunong pumatay, yun mga tauhan pwede pa pero ako hindi! hindi, pag nakalabas ako dito humanda ka papatayin kita."
No comments:
Post a Comment