Wednesday, September 26, 2007

Pinoy!

" One of the greatest sources of energy is pride in what you are doing."

Ang araw na ito ay tutuong espesyal para sa akin, dahil sa hindi malamang kadahilanan ay pumasok ako sa ibang level ng kumunikasyon, ang tawag nila dito ay BLOG. Ewan di ko pa alam ang kaibayo nito sa lenguwaheng Pinoy. Kung sa tunog mo pagbabasehan, ang BLOG ay tunog ng isang taong Sabog na nahulog kaya kumalabog. (banat agad ako ng korne hah) Iwanan na natin ang issue yan, bakit ba nahihilig ang mga taong mag-Blog, siguro karamihan dito ay KSP (as in kulang sa pansin) siguro isa ako sa KSP at marahil maraming dahilan siguro, dahil sa naibubulalas mo dito ang damdamin mo bilang ikaw, di ba? Hindi 'yung alak na lang parati ang outlet mo para manghiram ka ng tapang upang sabihin kung sino kang talaga, di ba? di ba?
Well, marami tayong pagsasamahan at pagsasaluhan at pagdedebatehang issue at kuro-kuro dito at ang kagandahan nito hindi mo ako puwedeng umbagin kapag napikon ka sa mga isusulat ko. (okey di ba?)
Mahiwagang lahi ang Pinoy, at siguro dito ako si-sentro, kahit minsan nakakakahiyang maging Pinoy, aym estil prawd tobe Pinoy.

No comments: