Monday, July 4, 2011

MGA TAONG GUSTO KONG PASALAMATAN SA AKING KAARAWAN

Kay President Noynoy Aquino na nagturo sa akin na ang birthday ay tulad lang ng popularity rating minsan ay tumataas at mas madalas naman na bumababa.



Kay VP Jojo Binay dahil pinagtatanggol niya ang Presidente sa isyung mas mataas ang rating niya kay PNoy. " Hindi naman dapat ikumpara ang performance ng Pangulo sa Pangalawang Pangulo. Iko-compare mo ba ang apple sa apple? (sige na nga apple at duhat na lang)



President turned Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo na nagturo sa akin na maging humble mula sa pagiging Presidente ay naging kongresman na lamang. (Dapat tayong magpakababa pero wag naman ninyong maliitin ang ang height ko –GMA)



Kay Senate President JP Enrile na nagturo sa akin na maging happy kahit tumatanda ka na.



Kay Senator Mirriam Defensor na kahit na isinusulong niya ang divorce bill ay nagpakasal ulit sa para sa kanilang 50th wedding Anniversary..



Senator Jamby Madrigal nag nagturo sa akin na hindi pala natin malalaman ang presyo ng galunggong kung hindi naman tayo kumakain nito.



Kay Hubert Webb na nagturo sa akin na kahit mayaman ka ay pwede ka rin palang makulong at maging biktima ng walang katarungan.



Kay DOJ secretary Lilia de Lima sa sobrang sipag sa pagpapa-imbestiga ay nasapawan na niya si Mike Enriquez.



Kay Mar Roxas kahit bangungot sa kanya ang nakaraang eleksyon ay nabigyan pa rin ng pwesto sa gobyerno.



Kay Korina Sanchez na K pa rin kahit hindi natupad ang pangarap niyang maging First Lady at asawa ng Vice President.



Willie Revillame na nagturo sa akin na pwede palang gamitin ang mga mahibirap para yumaman.



Kay Kris Aquino na kahit pala nagkaroon ka ng STD ay pwede ka pa ring mag-indorse ng feminine wash



Kay Vice Ganda na nagturo sa akin na pwede ka palang sumikat kahit inaaglahi mo at pinipintasan ang mga pagmumukha ng mga contestant. (Bakit, kahit baklang –kabayo may taste din naman ah! -Vice Ganda)



Dra. Vicky Belo nag nagturo sa akin na maging mapagpatawad kahit pinagtaksilan ka ng maraming beses ng iyong mahal. (Sana matutuhan niya ring patawarin yung mga humihingi ng discount sa kanyang mga cosmetic surgery.)



Kay Shalani Soledad kahit nasaktan sa paghihiwalay nila ni Noynoy ay naging daan naman upang maging isa sa mga highest paid host sa TV.



Kay Liz Uy na nagturo sa akin na dapat ka rin magsabi ng NO kahit na ang nag-aalok sa iyo ng kasal ay ang pinakamakapangyarihan tao sa bansa (Kung sabagay nagpakatotoo ka lang naman sa sarili mo na di mo type ang isang 50 years old na kalbo at amoy-sigarilyong boyfriend)



Sa Team Azkals nag naturo sa akin na maging makabansa kahit na karamihan ng mga miyembro nito ay lumaki sa ibang bansa.



Kay Mon Tulfo na nagturo sa akin na magpakahinahon at huwag magmumura. (Bakit sino ka bang Tarantado ka, sikat ka ba! Ulol ka pala eh! – Mon Tulfo)



Sa aking mga ka-friendship sa FB at sa mga relatives ko na bumati sa akin maraming salamat po!.







Ang regalo ko naman sa aking sarili ay …..



Hinding-hindi na ako manonood ng mga tele-serye sa TV, para kasing nag-sasawa na ako sa coincidence at amnesia na lagi na kasama sa estorya ng ganitong mga drama.



Hinding-hindi ko na tatangkilikin ang mga KPOP artists at si Justin Beiber.



Hinding-hindi ako hahanga sa mga artista at karaniwang babae na gumagamit at nagi-indorso ng produktong pampaputi tulad ng glutathione. (hindi ba nila alam na ang kutis- Pilipina ay hinahangaan sa buong mundo, bakit mo babaguhin ito?



Hinding-hindi na ako bibili (kahit pa pirated copy) ng mga album nila Kris Aquino, Gretchen Barreto, Marian Rivera, Piolo Pascual , Manny Pacquiao at Willie Revillame masyado na kasing nai-insulto yung mga totoong singer. Ibo-boycot ko na rin ang Star at GMA records.



Hinding-hindi ko na tititigan ang mga litrato ni aling Dionesia Pacquiao at Madam Auring para di na ako binabangungot sa gabi.



Hinding-hindi na ako magha-hum or sasabay ng kanta habang nakikinig sa cellphone music or mp3 habang nasa pampublikong sasakyan.



Hinding-hindi na ako magsu-suot ng sun glass sa loob ng mall at di na rin magpa-powder at maglalagay ng pabango sa harap ng maraming tao. .



Ko-kontrolin ko ang aking sarili upang di mainis sa mga showbiz balita.



Hinding-hindi ko hahangaan ang isang artista o politiko na nagsasabi na galing siya sa mahirap at para sa mahirap para lang sumikat.



Hinding-hindi ko sasabihin na maganda ang kasalubong kong babae kapag kasama ko ang aking misis.



Hinding-hindi na ako mako-kunsumi pag napakinggan ko ang mga DJ's ng Love at Yes FM.



Hinding-hindi na ako gagamit ng mga salitang “yuck” at kadiri para kasing masagwa.




Hinding-hindi ko na sisitahin yung mga Yosi Kadiri at durara mumurahin ko na lang.




Hinding-hindi na ako magtataka sa mga nagre-review sa Starbuck imbis na gawin nila ito sa library o sa bahay.



Hinding-hindi ko ilalagay ang batas sa aking kamay kahit gabi-gabi akong binu-bwiset na aking kapitbahay sa pagbe-videoke na inaabot ng madaling-araw.



Pipigilan ko na ang aking pagka-inis sa mga FB users na

palit ng palit ng status, nagbi-benta ng kanyang mga produkto at networking, Nagpo-post ng lahat ng kanyang ginagawa at iniiisip, Nagpapasikat ng mga bago niyang gadgets, nagpo-post ng mga close-up photos na pilit pinapa-cute ang sarili.



Hinding-hindi na ako mapipikon sa mga racist at paninira sa atin ng mga dayuhan (mga pintasero rin naman tayong mga Pinoy eh)



Pangako ko sa sarili ko pahahabain ko pa ang aking buhay :)



Hinding-hindi na rin ako magede-deny…..



Hinding-hindi na rin ako magte-tell ng lie ….



Pero hinding-hindi rin ako aamin ng totoong edad ko..