Sunday, May 24, 2009

Anong kaguluhan ito?!!

Pagkatapos ng magandang balita sa pagkakapanalo ni Pacquiao, Donaire at Villoria sa boxing na nagbigay sa atin ng magandang balita ay balik na naman tayo sa masamang impresyon sa ating mga Pinoy. Una, And "racial slurs or remark" ni Alec Baldwin ng Hollywood tungkol sa mail order bride sa Pilipinas.(nag-sorry na raw si Baldwin sa isyung ito.) Pero, bakit naman sa isang "noontime show" ay binababoy din ng mga contestant na bakla ang name ng ibang bansa. (hindi kaya balat-sibuyas lang tayo?)at hindi natin napapansin na mga pintasero din tayo sa iba, minsan pa nga sa mismong kababayan natin na mga Chinese at Bisaya ay inaaglahi natin..

Pangalawa: Medyo natawagan ako ng pansin sa isyu ng mga sex videos ni Hayden Kho. Out of curiousity bumili ako ng isang pirated tape just to prove kung genuine ito o hindi. Well, totoo nga at ito ang dahilan upang gamitin ito ni Bong Revilla para mamulitika at magkaruon ng aktibidad sa senado. Talaga yatang lipunan tayo ng mga mang-gagamit. Balik tayo sa isyu ng sex video, totoong naa-awa ako sa mga biktima ng pangyayaring ito bagamat kung pagbabasehan mo ang mga videos ay gusto rin naman nila ang kanilang ginagawa, ngunit dahil sa kumalat na ito at halos milyon na ang nakapanuod ano na ang mangyayari sa susunod na mga eksena? marahil may makakasuhan, ang iba mawawalan na ng "career" at pwede rin na lalo pa silang sumikat.
Ang nakaka-alarma lamang sa pangyayaring ito ay hindi na ito naging usapin ng mga matatanda pati mga bata ay pangkaraniwang na lamang sa kanila ang panooring ito sa mga cellphone na napakabilis naman na mai-download.
Masyado ng bumababa ang moralidad ng mga Pinoy o hindi pa lamang tayo handa sa ganitong pagbabago.

Sunday, May 3, 2009

There is only one...Manny Pacquiao

Yesterday was the anticipated "The battle of East vs. West between Pacquiao - Hatton." As much as possible I've always watch boxing in the movie house dahil kinukunsumi talaga tayo ng mga TV ads who are wasting our time. Well 450 pesos is not bad at all dahil dahil you can watch the they watch it live in Las Vegas.

As usual it was a jampacked event dahil maraming mga Britons ang dumagsa sa Las Vegas kahit krisis sa economy. Well marami namang Pinoy duon na laging sumusuporta sa idolo natin. Siyempre ang sandamakmak na pulitiko sa atin na nagsayang naman ng pera ng bayan.

Well alam na ng lahat ang resulta at totoong nai-inggit tayo kay Pacman dahil kumita siya ng 3 milyon dolyares kada minuto sa laban na yun. Pero higit pa sa pera yung karangalan na maglalagay sa kanya sa hall of fame ng boksing sa Amerika.

Tigilan na natin ang pagpuna kay Martin Nievera sa pagiba niya ng tono sa ating Pambansang Awit, ang mahalaga ginawa niya ito ng bongga at ito ang uso sa Las Vegas di ba?

Mabuhay ka Pacquiao, at pinasaya mo na naman ang sambayanang hikahos sa buhay. Mabuhay ang Pinoy!

Friday, May 1, 2009

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

My last post was April 2 and today is May 2 already, before I knew it isang buwan na pala ang lumipas. Ano ba ang pinag-gagawa ko? Wait! do I owe to everybody an explanation? Of course naman, visiting one's blog site is time consuming lalo na pag mabagal internet mo. And one more thing is you already have an resposibility not only to your blogsmate but also to yourself too (to others blogging is also an on-line diary, so you should keep your diary updated)

Anyway I have a valid reason 'cause my computer was crash, so i have to bring it to my suking technician siyempre gastos na naman dahil I have to install another hard disk dahil puno ang dati.

Before I forgot, yesterday (May 1), was our 14th wedding anniversary. I was a cruel husband dahil nasa outing/seminar ako w/c we are not allowed to bring family member. We still afford to celebrate it when I got home in the evening.

Kahit kunti lang visitor ko sa blogsite ko, I'm really sorry guys!
And tomorrow I will watch Pacquiao-Hatton figth in SM.

Enjoy the weekend!!

Ysrael