Kumukuti-kutitap ang mga munting ilaw sa ating mga mata, minsan hindi mo ma-imagine ang pasko pag wala ang mga ito. Sa mga gusali hanggan sa mga barong-barong ito ang nagpapatingkad sa kapaskuhan di ba? pero kung iisipin mo lampara lang ata ang ilaw nuong isilang si Hesus.
Ngayon sandamakmak na ang paraphernalias tulad ng parol, garlands, christmas tree, christmas party, chistmas gifts, christmas bunos, christmas carols, kris kringle etc..at kahit sa local scenes andiyan ang simbang-gabi, karoling, aginaldo, puto bumbong at bibingka (ewan ko ba bakit parang bagay lang kainin ang mga ito kapag Disyembre)
Lahat ng ito ay nagpapatingkad sa pagkutitap hindi lamang sa mata kundi maging sa isip at pandama natin. Tunay na may hatid na saya at pang-gayuma ang Pasko, marahil sa dahilang matanda na itong tradisyon nating mga pilipino.
Kasama na riyan siyempre ang pagkundisyon sa atin ng "media" upang paghandaan maigi ang kapaskuhan. Ang pasko ay napakalaking komersyo lalo na sa bansa natin na may "record" na may pinakamahabang "christmas celebration" sa buong mundo. Kabi-kabila ang "christmas countdown" ng mga tv station at radyo.
Maraming nag-iisip kung ano ang ibibigay sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan pero mas masarap isipin kung ano ang iyong matatanggap. It's better to give that to receive ika nga, daming plastik no?
Well personally hindi naman ako naniniwala sa christmas, wala naman talagang nangyaring misa nuong isilang si Hesus. At hindi naman talaga Disyembre ng siya ay isinilang dahil panay snow ang paligid ng Betlehem (namputsang buhay to, pagtatalunan na naman ba yan?)
Ang mahalaga ang diwa ng pasko, kung biblia ang ating sasanguniin ang tawag nila dito ay "Paskua" o "past over" at siguradong hindi ito nangyari sa buwan Disyembre. Ika nga ng matatandang kristiyano, araw-araw ang pasko at dahil kasama sa araw-araw ang Disyembre 25, bumabati na rin ako ng kumukutikutitap na pasko sa inyong lahat!