Isa na naman Pinoy ang naging kampeon sa larangan ng boksing. Ito ay si Donnie "Ahas" Nietes bilang bagong WBO minimumweight champion, Siya ngayon ay kabilang na sa hanay ng mga Filipinong nag-kampeon sa taong ito sila ay sina; Florante Condes (minimumweight, IBF), Nonito Donaire, Jr. (flyweight, IBF, IBO) and Gerry PeƱalosa (bantamweight, WBO).
Bagama't si Manny Pacquiao ang pinakasikat sa lahat ng boksingero dito sa ating bansa. Siya ay walang hawak na korona (world title belt) Kahit ang magiging laban niya kay Marco Antonio Barrera sa Linggo (oktubre 7) ay wala ring nakatayang korona. Samakatwid ang laban na ito ay pera-pera lang. Manalo at matalo si Pacman kay MAB ay magkakamal pa rin siya milyo-milyong dolyares. Masama ang kutob ko mga kabayan, baka matalo si Pacquiao dito bigyan daan ang Pacquiao - Barrera 3.
May imposible ba sa Las Vegas?